TESDA, nagtakda ng bagong employment rate para sa mga Tech-Voc graduates

 

 

Titiyakin ng pamunuan ng Technical Education And Skills Development Authority o TESDA na madadagdagan ang bilang ng mga skilled workers na mabibigyan ng trabaho mula sa hanay ng mga magsisipagtapos sa kursong Technical o Vocational.

 

Ito ang target ni TESDA Director General Secretary Isidro Lapeña kasunod ng utos sa mga dumalong Technical Vocational Schools na gawing 60% ang employment rate ng mga Tech-Voc graduates na dati ay nasa 50% lamang.

 

Sa kanilang taunang forum na ginanap sa Parañaque City kamakailan, ang bagong employment rate ay makakasama sa binuong guidelines bilang isa sa mga criteria ng bibigyan ng scholarship slots.


 

Ito ay nangangahulugan na 60% ng mga magtatapos sa kursong Tech-Voc ay dapat na mabigyan ng trabaho hanggang 1 taon mula nang magtapos ito.

 

Sa kanyang talumpati, binigyang diin nito na napakahalaga ng tungkulin ng TESDA sa Tech-Voc education dahil sa  kailangan nang makasama ang pagbibigay ng trabaho at livelihood sa mga magtatapos sa pagsasanay ayon na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Kaya naman agaran ang pagpapalabas ng guidelines upang gabayan ng tama ang mga TVIS, gayundin ang mga estudyante ng Tech-Voc, kaugnay sa bagong direksyon ng TVET o Technical Vocational Education and Training stake holders. (DZXL Radyo Trabaho – RadyoMaN Ronnie Ramos)

Facebook Comments