TESDA Quirino, Pinagkalooban ng Bagong Sasakyan!

93

Cauayan City, Isabela – Malaki ang naging pasasalamat ng pamunuan ng TESDA Quirino sa Ibinigay na bagong sasakyan mula sa TESDA National.

Ayon kay TESDA National Secretary atty. Guiling Gene A. Mamondiong, binigyan niya ng bagong sasakyan ang TESDA Provincial Office ng Quirino upang makatulong ito sa pagpapatupad ng programa at serbisyong panlalawigan.


Nais umano ni Atty. Mamondiong na maabot lahat ang lugar sa mga dapat pagsilbihan lalao na sa mga malalayong lugar.

Higit na layunin umano nito na mapabilis ang paghahatid ng mga impormasyon sa mga liblib na erya sa nasabing lalawigan.

Samantala ang Quirino TESDA Director ay si Belinda Labutong.

Facebook Comments