Cauayan City, Isabela- Tiwala si TESDA Director General Secretary Isidro Lapeña na marami pang matutulungan na mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbabalik loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga livelihood project ng ahensya.
Ito ang inihayag ng kalihim kasabay ng pagbisita sa Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela kaugnay sa pagbubukas ng training para sa mga Former Rebels kahapon, Setyembre 16, 2021.
Sasailalim sa 42-araw na pagsasanay sa Electrical Installation and Maintenance ang nasa 25 mga dating rebelde habang ang kanilang mga asawa o kaanak ay magsasanay naman sa pagluluto.
Makatatanggap naman ng National Certificate o NC II ang mga trainee sa pagtatapos ng kanilang training bilang patunay ng kahandaan sa pagpasok ng trabaho.
Nagpasalamat naman si MGen. Laurence E Mina, Commander ng 5ID sa PLGU Isabela, LGU San Mariano at TESDA dahil sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa mga malalayong lugar.
Ayon sa heneral, magbubukas ng bagong pag-asa ang programa ng TESDA at ito rin umano daan para makapagsimula sa bagong buhay.