Kinumpira ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Secretary Isidro S. Lapeña na ang Pilipinas ang kauna-unahang uupo bilang Chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Technical Vocational Education and Training (TVET) Council para sa taong 2020-2022.
Ang ASEAN TVET Council ay unang itinatag noong 2017 subalit ngayong taon lang itong pormal na inilunsad.
Mandato ng nasabing council na maging multi-sectoral o cross-sectoral body na magbibigay ng daan para sa koordinasyon, pananaliksik, at pagsulong ng makabagong pamamaraan at monitoring para sa mga regional programs na susuporta sa pagsulong ng TVET sa bansa.
Kasapi sa nasabing council ang ASEAN Member States o AMS na experto sa economic, education, at labor sectors, kasama na ang business at industry sectors.
Ito’y para makamit ang socioeconomic development kung saan ito ang papel ng TVET.