TESDA, tiniyak na pag-iigihan ang technical-vocational education sa sektor ng agrikultura

Tiniyak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na lalo pa nitong pag-iibayuhin ang technical-vocational education partikular sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Deputy Director General John Bertiz, nananatiling isa sa top priorities ng TESDA ang agrikultura sa mga programa, proyekto at serbisyo sa panahon ng pandemya.

Kabilang aniya sa mga kursong pinalalakas ay ang Organic Agriculture Production NC II, Agricultural Crops Production NC II at Agro-Entrepreneurship NC II.


Ipinaliwanag din ni Bertiz na aktibo ang ahensya sa pagbibigay ng skills training sa rice farmers sa ilalim ng Rice Extension Services Program na bahagi ng mandato na nakasaad sa Rice Tariffication Law.

Dagdag pa ng opisyal, nagpapatupad ang TESDA ng dual-training system sa ilalim ng Enterprise-Based Training kung saan hango sa Germany ang training modality na kombinasyon ng theoretical at practical.

Isinasagawa ang EBT program sa paaralan o training center at kompanya o workshop.

Facebook Comments