TESDA, Tumanggap ng P1M mula sa Provincial Government ng Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng halagang P1 milyong piso ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa Technical Skills and Development Authority (TESDA) para sa kanilang Technical and Vocational Scholarship Program (TVSP).

Ayon kay Ginang Eva Doniego, TESDA Technical Skills and Development Supervising Specialist, gagamitin nila bilang pondo ang kanilang natanggap na tulong para sa kanilang Technical and Vocational Scholarship Program (TVSP).

Ang TVSP na ipinatutupad ng TESDA at PLGU ay layong matulungan ang mga marginalized na sektor para magkaroon ng oportunidad sa trabaho at maging produktibong manggagawa sa pamamagitan ng libreng pagsasanay.


Nagpapasalamat naman si Doniego sa ipinamahaging tulong ng provincial government sa pamumuno ni Gov. Carlos Padilla upang magpatuloy ang layunin ng TESDA na mabigyan ng sapat na kaalaman at kabuhayan ang mga Novo Vizcayanos.

Dagdag pa niya, ang TVSP ay naging instrumento sa pag-angat ng antas ng kahirapan ng mamamayan ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho sa probinsya at sa ibang bansa.

Facebook Comments