Manila, Philippines – Pinagbabantay ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang publiko na hindi magkakaroon ng dagdag na pasakit sa mga commuters ang mga Dalian trains.
Ayon kay Zarate, bagamat welcome relief na madadagdagan pa ang mga tren na bumabiyahe sa MRT-3, dapat na maging mapagbantay pa rin ang publiko na hindi ito mangangahulugan ng dagdag na bayarin o pamasahe sa mga commuters.
Dahil ang mga Dalian trains ay nasa ilalim pa rin ng test run, ang Sumitomo na maintenance provider ng MRT-3 pa rin ang may huling pasya kung ang mga bagon ay talagang magagamit sa pagbiyahe.
Pinangangambahan ni Zarate na hindi makapasa sa standards ng Sumitomo ang Dalian trains at ang mga nagastos dito gayundin ang penalty ay ipapasa lamang sa publiko.
Bukod dito, hindi rin bahagi ng kontrata na pinasok ng Department of Transportation o DOTr ang paggamit ng ibang train brands partikular ang Dalian na balot ng kontrobersya at anomalya.