4 na Nahuling Chinese National, Pinalaya na!

Cauayan City, Isabela- Pinalaya na ng mga otoridad ang 4 na chinese national s matapos na maberipika sa Bureau of Immigration na may mga kaukulang dokumento ang mga ito at legal na naninirahan sa Lungsod.

Matatandaang inaresto ang mga matapos ang warehouse inspection ng mga otoridad sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga apat na chinese na sina Huang You Yi, 43 anyos, Wang Zhai zhou, 44 anyos, Yue Rongshui, 58 anyos at Wu Liang Zhuang, 32 anyos na pawang mga dayuhan.


Dagdag dito, nagsagawa pa rin ng warehouse inspection ang mga otoridad katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ( BPLO, Eagle Matrix Security Agency, BFP) matapos hilingin ng mismong may-ari ng warehouse na si Jose Uy upang tiyakin na walang paglabag sa ilalim ng Provincial Ordinance at City Ordinance.

Facebook Comments