Test run ng electronic data system para sa mga umuuwing OFW, gagawin bukas kasabay ng Araw ng Kalayaan

Nakatakdang isagawa bukas ang test run para sa electronic data system sa mga paliparan na binuo para sa mas mabilis na pag-proseso ng mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay National Action Plan against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ang computerized system ay magiging mas epektibo para sa contact tracing at mas mabilis na pag-release ng medical clearance ng mga OFW.

Paliwanag ni Galvez, sa pamamagitan ng computerized system, ang mga camera sa paliparan at mga datos ng mga OFW ay magiging accessible sa mga testing centers.


At para mas madali pa, maaari na ding ma-access ng mga OFWs ang kanilang medical clearance sa pamamagitan ng cellphone.

Una nang nagawa ng gobyerno na i-release ang medical clearance ng 337 OFWs na dumating sa Clark International Airport nitong June, 2020 sa loob lang ng 3 araw matapos silang bigyan ng medical certificate bilang COVID-free sa RT-PCR test.

Sinabi ni Galvez na ang ginagawa nilang improvement sa pagproseso ng mga OFW ay batay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag patagalin ang pag-hold sa mga ito pagdating nila sa Pilipinas para makauwi na agad ang sa kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments