Sisimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng internet voting test runs sa susunod na buwan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, walang gagastusin ang poll body sa gagawing test runs.
Ito aniya ay isang exploratory test sa paggamit ng mobile application para sa overseas voters.
Ang magiging resulta ng test ay magkakaroon ng impact sa kung paano gagawin ang mga halalan sa hinaharap.
Ang COMELEC ay lumagda sa isang Memoranda of Agreement sa dalawang internet voting solution providers bilang paghahanda para sa pagsasagawa ng live test runs sa internet voting systems.
Facebook Comments