Umarangkada na kaninang hapon ang pagdaan sa kahabaan ng EDSA northbound ng mga sasakyang ginagamit ng MMDA at PNP sa dry run ng stop and go traffic scheme.
Ito ay kasunod pa rin ng patuloy na paghahanda ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno bilang punong abala ng gaganaping 30th Asean Games 2019.
Magkakahiwalay, hindi magkakasabay ang Convoy ng mga bus at suvs na galing ng iba’t-ibang mga hotel sa Tagaytay, Pasay at maging sa Lungsod ng Maynila.
Bagamat nag-abiso na ang MMDA na inaasahang magdudulot ito ng trapik pero hindi naman ito nagpabigat sa bahagi ng North EDSA.
Sa Philippine Arena na nasa Bocaue Bulacan ang destinasyon ng mga bus at suvs dahil dito gaganapin ang mga formal opening ng Asean Games.
Sa yellow lane dumadaan ang mga sasakyan na gwardiyado ng motorcycle unit ng MMDA at maging ng PNP.
Bagama’t pinatitigil ng mga motorcycle unit ng MMDA ang mga sasakyan, hindi naman ito nagdududulot ng matinding trapik dahil saglit lamang nakakadaan ang mga sasakyan.