TESTIGO | Isang testigo sa pagpatay sa isang traffic enforcer sa Navotas, lumutang

Navotas City – Lumutang sa himpilan ng pulisya ang isang testigo sa pag patay sa isang traffic enforcer sa Navotas City.

Sa ulat, dumulog sa pulisya ang isang tindero ng sigarilyo para ipabatid na nakita niya ang pagpatay sa biktimang si Edson Gubrian, 38 anyos sa M. Naval Street, Barangay Tangos.

Ayon sa saksi, riding in tandem ang nasa likod ng krimen kung saan naka-suot ang mga ito ng facemask at helmet.


Itinuro din niya sa crime scene ang mga basyo at cartridge ng 9mm at Kalibre 45 na baril.

Sa ngayon, inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sampung tinikitan nitong motorista na nagkaroon ng traffic violation.

Facebook Comments