Catanduanes – Humarap sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa nadiskubreng mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes ang isang testigo hinggil rito.
Nakashades, nakasumbrero at nakatakip ang mukha ng testigong si Ernesto Tabor Jr. nang humarap sa mga miyembro ng House Committee on Dangerous Drugs.
Sa kanyang testimonya, sinabi ng ni Tabor na kabilang sa kanyang hinahatiran ng shabu sina dating Mayor Constantino Cordial ng Caramoan, Camarines Sur, isang alyas Tipong sa Catanduanes, Snooky Imperial sa Legazpi City, Don Pepe sa Tiaong, Quezon at Jun Ranse sa Binondo, Manila.
Ibinulgar din nito na may 2015 pa lamang ay gawa na ang shabu laboratory at aabot sa 335 kilos ng shabu ang nai-deliver nito mula Hunyo hanggang Oktubre ng 2015.
Minsan ay ginagamit niya ang speed boat ni Mayor Cordial sa paghahatid ng shabu.
Ang New Bilibid Prison ang una nilang pinagdalhan ng produksyon ng droga.
Noong una ay tumanggi pa si Tabor na ipakita sa mga kongresista ang mukha nito dahil natatakot ito para sa kanyang seguridad pero kalaunan ay pumayag na rin ito.