2 katao na sangkot sa droga arestado sa Datu Odin Sinsuat

Arestado ng mga kapulisan ng Datu odin Sinsuat PNP ang isang lalaki matapos maaktuhang magbenta ng droga sa bahagi ng Poblacion Dalican mag aalas dos ngayong hapon.
Kinilala ni Chief Inspector Achmad Alibonga, hepe ng DOS PNP ang nahuling suspek na si Samarudin Ayub Ensay, 45 anyos residente ng Dalican.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at 200 pesos na marked money.
Kasalukuyang nasa locked up cell na ng DOS PNP ang naarestong suspek.
Samantala nauna na ring nahuli kagabi ng DOS PNP si Tong Lidasan 36 anyos na residente ng Brgy. Datu Kiram.
Naaresto ang suspek sa habang nasa CRMC base na rin sa Warrant of Arrest na bitbit ng DOS PNP na permado ni RTC 12 Brach 15 Judge Alexander Betoya.
Nasasangkot rin sa ipinagbabawal na gamot ang naarestong si Lidasan.(DENNIS ARCON)

Google Pic

Facebook Comments