Manila, Philippines – Isinapubliko na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang testimonya ni John Paul Solano sa isinagawang executives session ng Senado kaugnay sa pagkamatay ng freshman UST Law Student na si Horacio Tomas Atio Castillo III sa hazing na ginawa ng Aegis Juris Fraternity noong September 16.
Base sa transcript ng executive session, sinabi ni Solano na tinawagan sya ni Oliver Onofre 6:30 ng umaga noong Sept. 17 at pinapunta sa library ng fraternity.
Sinalubong sya nina Axel Hipe, Arvin Balag at Marc Ventura, present din daw noon sina Zac at Daniel Ragos.
Nakita niya si Atio na nakahandusay sa sahig, walang malay at wala ng pulso kaya ipinasyang dalahin ito sa Chinese General Hospital gamit ang sasakyan ni Ralph Trangia na minaneho ng kanilang family driver.
Sabi ni Solano, si Arvin Balag ang nag-utos na sa kanya na mag-imbento ng kwento na napulot nya lang sa Balut, Tondo ang katawan ni Atio.
Ito din daw ang nag-utos na i-delete nila ang kanilang social media account.
Masama din loob ni Solano dahil basta na lang siya iniwan ng kanyang mga ka-brod sa ospital kaya labis syang namroblema, lumayas ng bahay dahil hindi niya masabi sa kanyang mga magulang ang nangyari, ng makarating sa moa ay sumakay sya ng bus patungong tarlac, nagpalipat lipat ng jeep, tinapon ang cellphone sa dami ng komokontak sa kanya at sa lansangan na lang sya natutulog.
Hanggang magpasya syang bumalik na sa kanila at magtapat sa kanyang mga magulang kaya lumapit na sila kay UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na nagpayo sa kanya na ilahad ang katotohanan at huwag magtakip dahil diin ni Dean Divina, mali ang nanghari, mali ang hazing, mali din ang ginawang pagtrato kay Solano ng kanyang mga ka-brod.