Mga lumang jeep, aalisin na sa 2018

Manila, Philippines – Pinalagan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte wawalisin sa kalsada ang lumang dyip.

Kasunod ng dalawang araw na tigil ng ikinasang tigil pasada ng Piston sa boung bansa.

Ayon sa mga tsuper, naging matagumpay umano, ang kanilang strike, na ikinagagalit ni Pangulong Duterte.


Binigyan diin ng Piston, na hindi dapat magalit ang Pangulo, sapagkat siya umano ang nagbigay ng permit kahit pa, abutin ng dalawang buwan ang tigil pasada.

Dahil dito’y kinekwestiyon ng Piston ang pahayag ng Pangulo, na kailangan ipatupad ang jeepney modernization.

Nauna rito’y inihayag ng Pangulo, na ayaw na niyang makita ang mga lumang dyip pagsapit ng January 2018.

Facebook Comments