Testimonya Ni Kerwin Sa Senado, Pinasinungalingan Ni Albuera Police Chief Jovie Espenido

5

MANILA – Pinasinungalinan ni Albuera Police Chief Jovie Espenido, ang ilang pahayag ni Kerwin Espinosa sa pagdinig ng senado noong Miyerkules.Kabilang dito ang paglilinis sa pangalan ng kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa transaksyon ng iligal na droga at ang umanoy pagpeke sa pirma ng dating mayor sa kanyang affidavit, bago ito napatay.Ayon kay Espenido, ang namayapang si Mayor Espinosa talaga ang tunay na drug lord ng Eastern Visayas at ipinasa lang ito kay Kerwin.Aniya, ginagawang sinungaling ni Kerwin ang kanyang ama sa pahayag na pineke ang pirma ni Mayor Espinosa.Itinanggi din ng opisyal na siya ang naging tulay upang magkakilala si Ronnie Dayan at si Kerwin, bagay na sinasabi ng batang Espinosa sa pagdinig.Inaasahan na rin aniya na idadawit ito ni kerwin sa ilegal na droga.Bunsod nito, nais ni Espenido na masibak na siya sa pwesto bilang hepe ng Albuera PNP.

Facebook Comments