Testimonya ni Magalong sa Senado, tinawag na “hearsay” ni Panelo

Manila, Philippines – Inilarawan ni Presidential spokesman Salvador Panelo na “hearsay” o mistulang sabi-sabi lamang ang nga testimonya ni dating former Criminal Investigation and Detection Group chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kaugnay ito ng pagdadawit ni Magalong kay resigned Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde sa pagre-recycle ng droga noong 2013 sa drug raid sa Pampanga.

Sa isang panayam, sinabi ni Panelo na kung pagbabatayan ang pahayag ni Magalong sa Senate inquiry ay lagi niyong ginagamit ang salitang “sabi ni ganito” at “sabi ni ganyan.”


Bukod pa riyan, sa press briefing sa Palasyo ay binatikos din ni Panelo ang testimonya ni retired police general Rudy Lacadin sa pagdinig sa Senado na hindi siya sigurado kung seryoso o nagbibiro lamang si Albayalde nang sabihing kaunti lamang ang napunta sa kaniya sa nasabing drug raid.

Kung sa hukuman ito ginawa ni Lacadin ay dismissed na agad ang kaso nito ayon kay Panelo.

Facebook Comments