Naniniwala si Sen. Leila De Lima na mahalaga ang testimonya ni Edgar Matobato.Ito’y kahit nangyari bago pa ang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong duterte.MANILA – Sa pagdinig kahapon ng Senado sa umanoy extra judicial killings, humarap si Matobato na sinasabing myembro ng Davao Death Squad mula 1988 hanggang 2013.Kabilang sa mga bintang ni Matobato laban sa pangulo ang pambobomba sa isang mosque.Kasama rin ang iba pang kaso ng pagpatay sa isang terosista kung saan dawit si PNP Chief Ronald dela Rosa.Isinawalat din nito ang kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ni NBI Director Dante Gierran.Bukod dito, isinangkot din nito ang anak ng pangulo na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.Samantala, posibleng sa Martes gawin ang susunod na pagdinig kung saan posibleng isalang ang limang testigo bukod pa kay Matobato.
Testimonya Ni Matobato, Mahalaga Ayon Kay De Lima
Facebook Comments