Umabot na sa 40,000 ang testing capacity ng bansa sa COVID-19 kada araw.
Ayon kay COVID-19 Response Deputy Chief Implementer Vince Dizon, plano ng gobyerno na paigtingin ang effort nito sa paglaban sa virus sa pamamagitan ng pag-abot sa target na 50,000 tests kada araw ngayong Hunyo.
Nabatid na mayroon nang 41 Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) laboratories at 13 genexpert machines ang bansa.
Nasa 141 naman ang pending applications para sa accreditation ng COVID-19 testing centers.
Kasabay nito, hinimok ni Dizon ang publiko na tumingin sa positivity rate ng bansa na nasa 6% hanggang 7%.
Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga sumasailalim sa test.
Facebook Comments