Testing czar, hindi tiyak kung maaaring luwagan ang quarantine status sa NCR

Masyado pang maaga para masabing puwede nang ibaba sa mas maluwag na quarantine classification ang National Capital Region (NCR).

Ito ang iginiit ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon.

Ayon kay Dizon, kailangang paigtingin ang mga COVID-19 response efforts sa mga susunod na linggo para malaman kung ano ang magiging kakahinatnan ng quarantine status sa Metro Manila.


Naniniwala si Dizon na ang assessment ng University of the Philippines OCTA Research Team ay nagpapakitang gumagana ang mga hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang transmission ng virus.

Kabilang sa mga dapat paigtingin ay ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng masks, proper hygiene at social distancing.

Dapat ding purihin ang mga Local Government Unit (LGU) at mga alkalde dahil sa puspusan nilang pagtatrabaho para matukoy at mahiwalay ang mga posibleng kaso ng COVID-19 sa komunidad.

Ang pamahalaan ay nakapagsagawa na ng tatlong milyong test at kailangan pa itong itaas kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments