Testing ng OFW Pass at DMW Mobile App sa Hong Kong, nagka-aberya

Nakatakda nang ilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers (OFW) Pass na inaasahang magiging kapalit ng Overseas Employment Certificate.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa DMW na gawing libre ang OFW Pass at DMW Mobile App sa lahat ng OFW users.

Hinihintay na lamang ang go signal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bago ang pormal na paglulunsad ng app.


Gayunman, hindi pa man nasisimulan ang launching ng app ay nagka-aberya na ito nang subukan ng OFWs partikular na sa Hongkong

Sa isinagawang testing kasi ay inabot ng oras ang paghihintay bago dumating ang kinakailangang one time password para makapag-log in ang OFWs.

Ang OFW Pass ay ang digital alternative sa Overseas Employment Certificate (OEC).

Facebook Comments