DFA, tiniyak ang tulong sa nasawing OFW sa Hong Kong

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa pamilya ng nasawing Pilipino roon.

Ang 51-anyos na babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) ay natagpuang palutang-lutang sa pantalan sa Hong Kong.

Ayon kay Office of Migration Affairs Assistant Sec. Paul Cortez, nasa stage of decomposition na ang labi ng Pinay nang makita ito.


Natukoy aniya ang pagkakakilanlan ng nasabing Pilipino sa pamamagitan ng mga ID na natagpuan sa kaniyang katawan.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na rin ang Konsulada sa employer ng naturang Pilipino para sa agarang pagpapauwi ng labi nito sa bansa.

Hinihintay na rin ng Konsulada ang resulta ng imbestigasyon ng Hong Kong Police sa pagkamatay ng naturang Pilipino.

Facebook Comments