Teves, nanatiling tahimik sa arraignment sa kasong illegal possession of firearms and explosives

Mismong ang Korte na ang naghain ng not guilty plea para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. sa mga kinahaharap na kaso nito sa Manila Regional Trial Court.

Ito’y dahil sa nananatiling tahimik si Teves sa mga kasong illegal possesion of firearms at illegal possesion of explosives matapos salakayin ang bahay nito sa Bayawan City, Negros Oriental.

Mismong ang mga abogado ng dating kongresista na sina Atty. Joey Lomangaya at Atty. Rafael Andrada ang nakasama niya sa sala ni Judge Renato Enciso ng Manila RTC Branch 12.

Matatandaan na si Teves ay nahaharap sa kasong 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder, at four counts ng attempted murder sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51.

Kasama rin sa kasong kinahaharap ni Teves ang one count ng murder sa Manila RTC Branches 12 at 15, at RTC Branch 63 sa Bayawan, Negros Oriental.

Bukod naman sa illegal possession of firearms at explosives sa Manila RTC Branch 12, nahaharap din ito sa kasong terrorism sa Quezon City RTC Branch 77.

Facebook Comments