TEXAS BLAST | Panibagong pagsabog sa FEDEX depot sa Texas, USA, iniimbestigahan na ng FBI

Texas, USA – Iniimbestigahan na ng Federal Bureau of Investigation (FBI)
ang panibagong pagsabog sa FEDEX depot sa Texas, USA.

Ikinokonekta ito sa apat na insidente ng pagsabog sa lugar kung saan
dalawang tao na ang nasawi.

Ayon kay FBI spokesman Michelle Lee – posibleng kagagawan ito ng isang
serial bomber.


Ito ang unang insidente na gumamit ng sulat ang suspek para doon ilagay ang
bomba.

Facebook Comments