BAYAMBANG, PANGASINAN – Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa publiko ukol naman sa ‘di umano’y kumakalat na balita at text message na nagsasabi na may karagdagang assistance para sa mga piling benepisyaryo ng bayan.
Ayon sa inilabas na pabatid SA publiko ng LGU Bayambang, ang kumakalat na text messages na nagsasabing may mga adisyonal na Social Amelioration Program para sa mga senior citizen ay walang katotohanan at ito ay ‘Fake News’.
Nakasaad pa umano sa text message na ang indibidwal ay napiling benepisyaryo at kailangan lamang ipadala ang kanilang impormasyon na hinihingi sa isang email address na kalakip ng text message.
Ipinaalala naman ng lokal na pamahalaan sa publiko na huwag basta basta maniwala sa mga text scams na katulad nito.
Bukas naman umano ang tanggapan ng LGU para sa kahit anumang katanungan ukol sa totoong programa ng lokal na pamahalaan. | ifmnews