Thailand Gov’t umaasang magiging maganda ang atmosphere sa pag-uusap ng mga ASEAN leaders ukol sa Code of Conduct in the South China Sea

Inihayag ng Thailand Government na gumagawa ito ng mga paraan para mas tumibay pa ang pagtitiwala ng bawat Association of South East Asian Nations (ASEAN) at mas makabuo ng isang magandang kondisyon para maisakatuparan ang mga napagpulungan sa 17th Senior Officials Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ang konsultasyon ng Code of Conduct in the South China Sea o COC na ginawa sa China noong nakaraang buwan.

Ayon kay Thailand Foreign Minister Don Pramudwinai, gagawin ang first reading ng COC ngayong taon at layong tapusin ito sa loob ng tatlong taon.

Bukod sa issue sa South China Sea ay isusulong din ng Thailand ang mahahalagang issue sa rehiyon tulad ng marine debris, illegal wildlife trade at pagkakaroon ng Regional Comprehensive Economic Partnership na target na matapos ngayong taon.


Kasama din aniya sa mga mapag-uusapan ay ang mga priority measures na isinulong ng mga nagdaang ASEAN Chairman.

Matatandaan na ilan sa mga isinulong ng Pilipinas noong 2017 ASEAN Chairmanship ay ang People oriented and People Centered ASEAN, Peace and Stability sa rehiyon, Maritime Security and Cooperation, Inclusive, innovation-led growth, ASEAN resiliency at ASEAN as a Global Player.

Facebook Comments