Manila, Philippines – Naglaan sa Pilipinas ng $2 billion ang agricultural corporation na Charoen Pokphand Group (CP Group) para palawakin ang pork at chicken production sa loob ng limang taon.
Bukod dito, magkakaloob din ng P10 milyon ang kumpanya sa Duterte Administration bilang suporta sa kampanya laban sa illegal drugs at rural development program.
Nagdesisyon ang naturang kumpanya na maglaan ng malaking negosyo sa Pilipinas dahil sa pagiging natatanging bansa sa Asya na ligtas sa Foot and Mouth Disease (FMD) at avian influenza o bird flu.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, ang nasabing business expansion ay inaasahang lilikha ng 2,000 trabaho at magpapataas sa local demand ng mais at soybeans bilang bahagi ng feed production ng kompanya.
Facebook Comments