THANKFUL | Aktres na si Rufa Mae Quinto, nakuha na daw ang target na figure matapos manganak

Manila, Philippines – Thankful ngayon si Rufa Mae Quinto matapos na makuha ang kanyang target figure matapos manganak.

Masayang ibinahagi ni Rufa sa kaniyang instagram post ang na-achieve na goal kung saan sinabi nito na proud siya sa kanyang sarili dahil matapos magtimbang ng 85 pounds dahil sa pagbubuntis ay naibalik na niya ang kanyang dating figure.

Say pa ni Rufa Mae, pumayat siya dahil nagbawas siya ng pagkain ng matatamis, kanin, mga maaalat, at pritong pagkain.


Isa din sa nakatulong ang pag-aalaga daw niya sa kanyang baby girl na si Athena Alexandria.

Sa huli, sinabi pa ni Rufa Mae na ibabahagi niya ang iba pa niyang sikreto para makapagbawas ng timbang at magkaroon ng muscles na mapapanood sa kanyang video blog.

Facebook Comments