Manila, Philippines – Lubos ang pasasalamat ngayon ng isang Pinay OFW matapos na maibalik pa sa kanya ang perang naiwan sa isang palikuran sa NAIA Terminal-2, kalahating taon na ang nakararaan.
November 12, 2017 nang dumating sa bansa ang OFW na si Marlene Villada mula Japan kung saan siya nagtatrabaho bilang entertainer.
Pagdating pa lang sa bansa, pinapalitan niya ng Peso ang halos 200,000 Yen na kinita niya sa Japan kung saan kalahati nito ay sinilid niya sa isang sobre saka ipinasok sa kanyang bag.
Pero pagkauwi sa Nueva Ecija, doon niya lang naalala na kalahati pa ng kanyang dalang pera na nasa sobre rin ang hindi niya nailagay sa kanyang bag at naiwan sa banyo.
Mabuti na lang at may boarding pass sa sobre kaya agad na nakipag-ugnayan ang MIAA-Intelligence and Investigation Division sa Airline Company na sinakyan ng OFW.
At kanina, personal na iniabot ng mga opisyal ng MIAA ang pera kay Villada.