NO COMMENT | Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria – hiwalay na?

Manila, Philippines – Hindi pa rin nagsasalita ang aktres na si Jodi Sta. Maria tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Cavite Vice Mayor Jolo Revilla.

Kasunod ito ng hugot post ni Jolo sa kanyang social media accounts kamakailan na tila pahaging sa kanilang paghihiwalay.

Maging ang birthday post ng actor-turned politician, walang “I Love You” at hindi na raw masyadong sweet.


Napansin din ng netizen ang hindi pagdalo ni Jodi sa graduation day ni Jolo nitong nakaraang linggo na nagtapos sa kursong Legal Management.

Hindi rin nakitang nag-celebrate ang dalawa ng mag-birthday ang aktres noong June 16.

Facebook Comments