THANKFUL | PRRD, pinasalamatan ang Israel

Israel – Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Israel sa pag-aaruga nito sa mga Pilipinong nagta-trabaho doon.

Nabatid na mayroong 28,000 OFWs doon kung saan karamihan sa mga ito ay mga caregiver.

Muling sinabi ng Pangulo na may pananampalataya siya sa Diyos at sadyang pinu-pulitika lang ang mga sinabi niya noon.


At dumipensa rin si Pangulong Duterte sa kanyang biro na maraming kaso ng rape sa Davao City dahil maraming magagandang babae ang taga-roon.

Samantala, pumirma na sa ilang kasunduan ang Pilipinas at Israel.

Kabilang sa mga nalagdaang kasunduan ay ang memorandum of agreement on the temporary employment of home based Filipino caregivers; memorandum of understanding on scientific cooperation at memorandum of intent on the collaboration on promotion of bilateral direct investment.

Facebook Comments