Nagpaalala ang Department of Science and Technology (DOST) sa publiko na maging handa sa posibleng pagtama ng ‘The Big One.’
Ito ay ang magnitude 7.5 na lindol na tatama sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Sa loob ng 400 taon, may higit 8 major earthquakes na ang nangyari sa Pilipinas.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña – ang mga aktibong fault lines na hindi pa nagkakaroon ng surface rupturing event ay posibleng maapektuhan ng ‘The Big One.’
Patuloy naman ang paghahanda ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor sa pagbabantay sa mga gusali at istraktura.
Facebook Comments