“The Filipino Flash” Nonito Donaire, wagi V.S. Nordine Oubaali via KO

Hinirang bilang bagong WBC bantamweight champion si Filipino Flash Nonito Donaire matapos talunin ang French boxer na si Nordine Oubaali via knockout.

Ginanap ang sagupaan ng dalawa sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Tinapos ni Donaire ang laban sa loob lamang ng apat na rounds kung saan ilang beses niyang napabagsak sa ring si Oubaali.


Dahil sa panalo, gumawa rin ng kasaysayan si Donaire, 38, bilang pinakamatandang boksingero na nakasungkit ng bantamweight title.

“I believe that it matters not what your age is, it matters how you are mentally, how strong you are mentally,” saad ni Donaire.

Kasabay nito, nagpahaging ang Pinoy boxer ng kagustuhang magkaroon ng rematch kay Japanese star Naoya Inoue.

“I knew I could compete with him, and I was not fighting, I was learning. I’m ready for the next one!”

“That’s what I wanted to win this fight, because that’s my next goal. The only thing I haven’t done in boxing is become undisputed, and the next phase is getting the rematch,” dagdag niya.

Facebook Comments