Pansamantalang sinuspinde ng The Netherlands ang paggamit ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang AstraZeneca hanggang sa Marso 29.
Ayon sa Dutch Government, ito ay dahil sa mga ulat na inilabas ng Denmark at Norway tungkol sa posibleng serious side effects nito.
Bagama’t wala pang naitatala ang The Netherlands na nakaranas ng serious adverse effect sa mga naunang nabakunahan ay nais nilang masiguro na walang magiging pag-aalinlangan ang kanilang mga residente.
Samantala, iginiit ng European Medicines Agency (EMA) at World Health Organization (WHO) na ang walang indikasyon na ang mga bakunang ito ay nagdudulot ng malalang sakit sa isang indibidwal.
Facebook Comments