Thermal Scanner sa Laoag International Airport, inihanda para sa nCoV!

iFM Laoag – Nakahanda na ang Thermal Scanner ng Laoag International Airport hinggil parin sa pag-iwas sa novel Corona Virus (nCoV) sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayun sa Provincial Health Office, hiniling nila ito sa Bureau of Quarantine at mayroon na ngayon itong technician na nakatotok upang masigurado na walang makalusot na pasahero na apektado ng nasabing sakit.

Sa kasalukoyan, walang naitalang pasiente na apektado sa lalawigan ng Ilocos Norte maliban na lamang sa ibang probinsya na malapit dito na kabilang sa listahan ng Department of Health na mayroong patient under investigation o PUI.


Ipinapaalala rin ng pamahalaan ang pagiging malusog na pangangatawan ng mamamayan at ang palaging pagligo araw-araw, kumain ng masustansyang pagkain at palaging paghugas ng kamay bago at matapos kumain. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments