‘Thinking Pinoy’ di takot sa libel case na sinampa ni Senador Trillanes

Manila, Philippines – Hindi natinag si Thinking Pinoy Blogger RJ Nieto sa libel case na isinampa laban sa kaniya ni Senador Antonio Trillanes IV kahapon.

Sa panayam ng RMN kay Nieto, sinabi nito na dalawang taon na siyang nagba-blog at handa siya sa anumang magiging reaksiyon sa kaniyang mga sinusulat.

“So 2 years at blogging at dumating ‘yan hindi na ako nagugulat, ok lang. Ganun talaga ang buhay. Kasi may pinag-aralan ako, alam ko yung mga ginagawa ko. Ako, bawat isang ginagawa ko pinag-aaralan ko kung legal ba o hindi. So hindi ako natatakot kasi alam ko naman yung ginawa ko eh. Eh ngayon, hindi ko alam kung anong klaseng legal acrobatics ang gagawin ni Trillanes para makumbinsi ang mga hukuman,” paliwanag ni Nieto.


Sabi pa niya hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng asunto na isinampa ni Trillanes.

“Hindi ko pa natatanggap yung actual na complaint. Pag natanggap ko yang complaint, babasahin, ikokonsulta ko po sa mga abogado ko, tapos doon na lang po kami mag-decide kung ano yung next move. Kasi mahirap naman pangunahan eh. Kasi baka mamaya wala naman kakuwenta-kuwenta yung isinampa na kaso eh ma-outright dismissal lang.”

Hindi rin apektado si Nieto na bansagan siya na source umano ng fake news.

Katwiran nito lahat naman ay may karapatan magpahayag ng sariling opinyon.

“People believe that people see what they want to see. Pero when they try to cross examine me, they weren’t able to prove their claims. Now I think my performance in the October 4 senate hearing was to speak for itself and if these people will still insist na I’m a propagator of fake news, then so be it. Everyone is free to have his own opinion, but you know people are entitled to their own opinion, but not to their own fact.”

May maiksi rin mensahe si Nieto para kay Trillanes.

“Alam mo Senator Trillanes gutom lang yan. Gusto mo ipag-saing kita,” dagdag pa ni Nieto.

Facebook Comments