Hindi kinakailangan na magkaroon ng kwalipikasyon na high school graduate sa pagkuha ng mga contact tracer.
Ito ang binigyan-diin ni 3-term Senator at Deputy Speaker Antique, Lone District Rep. Loren Legarda sa interview ng RMN Manila kasunod ng pagsusulong na gawing contact tracers ang mga nawalan ng trabaho ngayon pandemya na una na nilang ginawa sa probinsya ng Antique.
Ayon kay Legarda, hangga’t marunong bumasa at sumulat ay maaaring maging contact tracers, basta’t dumaan sila sa training.
Nito lamang ay nakipag-ugnayan si Legarda sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang ipanukala na bigyan ng kabuhayan ang mga apektado ng National Capital Region Plus bubble sa ilalim ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.