Tibay ng mga kalsada sa buong Pilipinas, sinimulan nang repasuhin ng DPWH

Pinangunahan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pagsasagawa ng National Road Roughness Index Program III o NRRIP III sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Katuwang ng nasabing ahensya ang consultant nito na Road Korea Inc. na may joint venture sa Cybersoft Integrated Geoinformatics, Inc.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, layunin ng programa na i-survey ang mahigit 12-libong kilometro ng lahat ng primary national roads sa buong bansa at secondary national roads sa NCR, Regions VI, VII, VIII sa Visayas at Regions IX, XI, XII sa Mindanao.


Paliwanag ng kalihim na ang nasabing roughness survey ang isa sa mga basehan sa pagtukoy ng mga priority projects ng DPWH.

Sa pamamagitan anya ng survey ay mababatid ang smoothness o roughness ng mga pangunahing kalsada sa bansa alinsunod sa International Roughness Index o IRI at makakatulong sa pagbuo ng rekomendasyon para mapabuti ang kalidad at kaligtasan ng mga lansangan.

Facebook Comments