
Bukas na sa publiko ang bentahan ng ticket para sa National Costume Competition ng Miss Universe Philippines 2026, na gaganapin sa Abril 16, 2026 sa Urdaneta City Cultural and Sports Center sa Urdaneta City, Pangasinan.
Inaasahang dadagsa ang mga pageant enthusiasts, turista, at lokal na residente upang masaksihan ang isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng kompetisyon, kung saan ipapakita ng mga kandidata ang kanilang natatangi at malikhaing national costumes na sumasalamin sa kultura, kasaysayan, at identidad ng kani-kanilang lugar.
Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng serye ng aktibidad ng Miss Universe Philippines 2026, na layong itampok hindi lamang ang ganda at talino ng mga kandidata kundi pati na rin ang yaman ng kulturang Pilipino.
Malaki rin ang inaasahang ambag ng event sa turismo at lokal na ekonomiya ng Urdaneta City, dahil sa pagdagsa ng mga bisita at suporta mula sa iba’t ibang sektor.
Hinihikayat ang publiko na agad na makakuha ng tiket upang masaksihan nang personal ang makulay at engrandeng palabas ng kagandahan at kultura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










