Pabor si Agriculture Secretary William Dar sa tie-up ng ‘Diskwento Caravan’ ng Department of Trade and Industry (DTI) at ‘Kadiwa ni Ani’ at ‘Kita Program’ ng Department of Agriculture (DA).
Kasunod ito ng suhestiyon na samahan ng discounted manufactured goods ang Kadiwa outlets na nagbebenta ng agri-fishery products.
Dahil ditto, asahan na sa mga susunod na araw maihahalintulad na sa isang mini-grocery store ang Kadiwa outlets.
Malaking tulong din ang tie-up sa maraming pamilya sa urban areas na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.
Sa panig ni Secretary Lopez, makikipag-coordinate ang DTI sa DA para sumama sa mga naka-iskedyul na aktibidad ng Kadiwa.
Facebook Comments