TIENDA BIGASAN | Department of Agriculture, magbubukas ng sariling tindahan ng bigas

Manila, Philippines – Magbubukas ang Dept. of Agriculture sa Miyerkules (Feb. 14) ng kanilang sariling tindahan ng bigasan.

Tugon ito ng DA laban sa rice dealers na umano’y nananamantala sa kakulangan ng NFA rice sa merkado.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, tatawagin itong *‘Tienda Bigasan Para Sa Masa’* program.


Giit ng kalihim, hindi maaring itaas ng rice traders ang presyo ng kanilang bigas dahil lamang kulang ang suplay ng NFa rice.

Itatayo ang tindahan sa labas mismo ng opisina ng ahensya sa Quezon City, kung saan magbebenta sila ng bigas na nasa 38 pesos kada kilo at planong dalhin ang programa sa iba pang bahagi ng bansa.

Facebook Comments