AKSYUNAN | Pangulong Rodrigo Duterte, nagbabalang ipasasara ang isla ng Boracay

Manila, Philippines – Ipapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isla ng Boracay.

Babala ito ng pangulo sa oras na hindi masolusyonan ang environmental issues sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Duterte, malaking problema ang sewerage sa isla na sumisira sa paligid nito.


Darating aniya ang panahon na wala nang tutungo sa isla sakaling ipagwalang bahala ito.

Inatasan na niya si Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na aksyunan ang mga problema ng nangungunang tourist destination sa bansa.

Facebook Comments