Sa mensahe ni DSWD 2 Regional Director Cezario Joel Espejo, ang nasabing programa ay tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo para magkaroon sila ng sariling pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng Transitory Family Support Package, binibigyan ng food at non-food items ang bawat benepisyaryo para makatulong sa transitory phase ng kanilang pamilya.
Ang Balik Probinsya Program ay inilunsad upang matulungan ang mga informal settlers sa Metro Manila na naapektuhan ng COVID-19 pandemic para makauwi at makabalik sa pinanggalingang probinsya at makapagsimulang mamuhay sa tulong ng pamahalaan.
Ayon naman kay Iguig Mayor Ferdinand Trinidad, bilang pagtitiyak na hindi na babalik sa Metro Manila ang mga benepisyaryo ng BP2, nangako ito na magkakaroon ng pabahay para sa mga ito.
Bakas naman sa mukha ang tuwa at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na tulong mula sa nasabing ahensya.