TIGDAS | DOH, nagpadala na ng team na mag-iimbestiga sa tigdas outbreak sa Sarangani Province

Nagpadala na ng investigation team ang Department of Health (DOH) sa Sarangani Province matapos ideklara ang tigdas outbreak.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa tala 18 ang nasawi mula sa 84 na naitalang nagkaroong tigdas sa nasabing probinsya.

Aniya, 20 porsyento sa nagkaroon ng tigdas ay nakuhaan na ng specimen para pag-aralan sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.


Inaasahan lalabas naman ang resulta ng pagsusuri sa loob ng 10 araw.

Naniniwala naman si Duque na posibleng nakaapekto sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng tigdas sa bansa ang kawalan ng publiko ng kumpiyansa sa pagpapabakuna.

Sa datos ng World Health Organization (WHO), 367 porsiyento ang itinaas ng kaso ng tigdas sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon kumpara noong Enero hanggang Nobyembre ng 2017.

Karamihan sa mga tinatamaan ng tigdas ay mga babae na may edad apat na buwan hanggang 40 taon.

Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na maaaring makuha sa hangin.

Facebook Comments