TIGDAS OUTBREAK | Libu-libong kaso ng tigdas naitala na, 13 patay ayon sa DOH

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon ng 4,168 na kaso ng tigdas ang naitala ngayong taon matapos na magkaroon ng outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Sa report ng epidemiology bureau, 13 sa nasabing bilang ay binawian ng buhay.

Ang 4,168 na kaso ay kumakatawan sa mga buwan ng Enero 1, 2018 hanggang Marso 26, taong kasalukuyan, 723 sa bilang na ito ay kinumpirmang tigdas matapos na isalang sa laboratory examination.


Ayon sa DOH, kabilang sa mga lugar na idineklarang may outbreak ng tigdas ay ang Taguig City, Zamboanga at Davao.

Ang mga kumpirmadong tigdas ay mula sa Region 11 (27.73 percent), ARMM (21.59 percent), Region 9 (14.32 percent), Region 12 (10.45 percent) at Region 9 (10 percent).

Ayon sa DOH, nagpapatupad na ng outbreak response immunization sa mga apektadong lalawigan, gayunman, patuloy pa rin ang pagkakahawa-hawa ng sakit.

Kaugnay nito, inilunsad ng DOH ang ligtas tigdas program upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga batang may edad na anim na buwan hanggang apat na taon at 9 buwan.

Facebook Comments