Posibleng ideklara na rin ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa Cagayan Valley o Region 2.
Ito ay matapos sumipa sa 578% ang kaso ng tigdas sa rehiyon ngayong buwan.
Ang Region 2 ay binubuo ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino.
Ayon sa DOH, ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela ay “at risk” kung patuloy na tumaas ang bilang ng pasyenteng nagkaka-tigdas sa kabila ng mass vaccination efforts.
Sa huling tala ng ahensya, umabot na sa 8,443 ang kaso ng tigdas kung saan nasa 136 na ang namatay.
Panawagan ng DOH sa publiko na agad isugod sa ospital ang mga makikitaan ng senyales na sila na ay tinamaan ng tigdas.
Facebook Comments