TIGIL PASADA │ Ilang lugar, nagkansela ng klase

Manila, Philippines – Dahil sa ikinasang nationwide transport strike ng grupong PISTON sa Lunes, December 4, nagsuspinde na ng klase ang ilang lokal na pamahalaan.

Manila, Philippines – Sa pahayag ng PISTON, muli silang magsasagawa ng tigil-pasada sa December 4 at 5 para ihayag ang pagtutol sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod:


*Albay – All levels, public & private. Ipinaubaya ng provincial government sa local school authorities ang pagpapasya ng suspensyon sa mga paaralan na nasa mga isla at far-flung areas.
*Guagua, Pampanga – All levels, public and private

Matatandaan na noong buwan ng Oktubre, naglunsad din ng dalawang araw na transport strike ang PISTON dahilan para suspendihin ng Malacanyang ang klase sa lahat ng antas sa buong bansa.

Facebook Comments