Tigil pasada bukas, tuloy! – MMDA at LTFRB, handang-handa na

Manila, Philippines – Kasabay ng nakatakdang tigil-pasada ng iba’t ibang transport group bukas, kasado na rin ang contingency plan ng LTFRB at MMDA para tiyakin na hindi mapeperwisyo ang mga motorista at mga pasahero.

Ayon kay MMDA spokesman Celine Pialago, mayroong 7 staging areas kung saan matatagpuan ang libreng sakay ng MMDA na tinawag naman nilang “Kalayaan Rides.”

Kabilang dito ang:


1. Monumento sa harapan ng MCU southbound
2. SM Marikina
3. Luneta parade ground
4. HK Sun Plaza Swipt Pasay City
5. Technohub QC
6. MMDA parking lot
7. Camp Aguinaldo

Magpapakalat din ang MMDA ng mga sasakyan batay na rin sa pangangailangan alinsunod sa mamomonior sa mga CCTV sa mga strategic areas.

Babantayan naman ng highway patrol group ang mga manghaharang na jeep at mang haharass.

Ang nasabing tigil-pasada ay magsisimula ng alas-sais ng umaga bukas, September 25 hanggang sa kinagabihan ng September 26, Martes.

Ito ay bilang pagpapakita ng pagtutol sa jeepney phase out o Jeepney Modernization Program ng gobyerno.

Facebook Comments