TIGIL-PASADA | Iba’t-ibang transport groups, magkakasa ng transport strike ngayong araw

Naglabas ng abiso ang Manila Police District (MPD) hinggil sa umano ay ikakasang transport strike ng iba’t-ibang grupo ng transportasyon simula ngayong araw hanggang sa Oktubre 17.

Batay sa media advisory ng MPD-Public Information Office, kabilang sa mga magsasagawa ng transport strike ay ang grupong PISTON, PUVMP, FEDOJAP, ACTO, PASANG MASDA, LTOP, ALTODAP at Stop and Go Coalition.

Ayon sa MPD, nakatanggap sila ng intelligence information tungkol sa strike na gagawin kaya pinaghahanda nila ang publiko.


Pero kasabay nito, itinanggi ni PISTON National President George San Mateo na magsasagawa sila ng transport strike ngayong araw hanggang bukas.

Giit ni San Mateo, “fake news” ang advisory at posibleng pinagbatayan lang ng source ay ang facebook.

Matatandaan kasi na noong 2017 ay nagsagawa rin ng dalawang araw na transport strike ang PISTON sa petsang Oktubre 16 At Oktubre 17.

Facebook Comments